^

Bansa

Environmentalist umapela kay Trump

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang grupo ng mga environmentalist kay U.S. President Donald Trump na suriin ulit ang isyu ng global warming at climate change.

Ang apela ni Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) chairman Michael Aragon kay Trump ay bunsod na katatapos na anibersaryo ng delubyo na dulot ng super-typhoon Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.

Sa launching ng CAPMI–EMB clean air patrol joint project noong Biyernes sa Quezon City, sinabi ni Aragon na ginunita ang pananalanta ng bagyong Yolanda na nagresulta sa pagkamatay ng 6,000 Filipino at pagkasira ng mga pananim.

Binigyan diin ni Aragon na hindi nila intensiyon na makipagdebate kay Trump at sa halip ay umaasa silang magkakaroon ng puso ang pangulo ng Amerika upang mapa­ngalagaan ang kalikasan na patuloy ang banta ng climate change.

Sa pagdiriwang ngayong Nobyembre bilang Clean Air Month ang CAPMI kamakailan lang ay nagdeklara sa Davao City bilang isang Clean Air City at kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang Clean Air Champion nila.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with