PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jinggoy pinayagan ng Sandigan na makabiyahe pa-Singapore

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makapunta sa Singapore at samahan ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada para sa medical check-up.

Sa 2-pahinang resolution ng fifth division ng Anti-Graft court, sinabi nito na mayroong Con­s­ti­tutional right si Estrada para makabiyahe sa loob ng 10-araw.

Matatandaan na no-ong hearing ng Nobyembre 3 ay hinadlangan ng prosekusyon ang mosyon ni Estrada na makabiyahe dahil siya ay “flight risk”.

Nakasaad naman sa resolusyon na tanging sa bansang Singapore lamang maaaring magtungo si Estrada at hindi maaa-ring magtungo pa sa ibang lugar.

Pinaglagak naman ng halagang P2.6 milyon ang dating Senador para sa kanyang biyahe mula Nob­yembre 11-20, 2017. Doble naman ng nasabing halaga ang travel bond na inilagak nito noong Set­yembre para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa PNP Custodial center simula nang makulong siya dito simula noong 2014 dahil sa kasong plunder at graft and corruption.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: