PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Main battle area sa Marawi, 100 % nalinis na sa bomba

MANILA, Philippines — Isangdaang porsiyento nang nalinis na ang mga kalsada sa mga bomba na naiwan ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Main Battle Area (MBA) kaugnay ng isinasagawang rehabilitasyon sa pagbangon ng lungsod ng Marawi.

 “Our Construction Engineers from the Army, Air Force, and Navy have been working day in and day out to ensure that 100% of the primary roads and bridges in the main battle area (MBA) of Marawi are passable and cleared of unexploded ordinance and improvised explosive devices (IEDs),” pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo.

Sinabi ni Arevalo na nasa 500 military engineers ang kasalukuyang nakadeploy sa Marawi City bilang bahagi ng Joint Engineer Task Group (JETG) sa pamumuno ni Brig. Gen. Arnold Fernandez na tumutulong sa rehabilitation operations na pinangungunahan ng Task Force Bangon Marawi. Sa kasalukuyan, ayon kay Arevalo ay natapos na JETG ang preparasyon para sa pansamantalang resettlement area sa Sagonsongan habang patuloy pa ang clearing operations sa main battle area.

 “Aside from engineer manpower, we have utilized our construction vehicles and equipment to clear-off rubbles and debris as well as in the demolition of buildings in the city’s MBA. We are yet to identify possible dump sites locations for the unexploded ordinance and IEDs,” ani Arevalo.

 Kabilang naman sa mga pangunahing ginagamit sa rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi ay mga pay loaders, dozers, backhoe loaders, skid steers, road graders at excavator.

 Samantalang tumutulong din ang JETG  para mapabalik ang supply ng tubig at kuryente sa mga piling centers ng lokal na pamahalaan, pook dasalan tulad ng mga simbahan at mosque tulad ng St. Mary’s Church, Grand mosque at Bato mosque.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: