PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Pag nag-usisa pa sa EJK Callamard sasampalin ko! – Digong

Sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang pananaw ni Agnes Callamard ay taliwas sa UN report na may titulong “International Narcotics Control Board Precursors and Chemicals Frequently Used in the Illicit Manufacture of Narcotic Drugs and Tropic Substances 2014.” Aniya, mismong ang UN report ay nagbibigay ng babala na ang shabu kapag ginamit ay “sometimes triggers aggressive, violent and bizaare behavior among users.” United Nations/Loey Felipe, File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kay United Nations (UN) special rapporteur Agnes Callamard na kanyang sasampalin sa sandaling imbestigahan siya nito ukol sa extrajudicial killings (EJK) at sa summary o arbitrary executions sa bansa sa inilunsad na “drug war” ng gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa Filipino community sa Da Nang, Vietnam matapos dumalo sa APEC Summit na hindi siya makakakuha ng patas na imbestigasyon mula kay Callamard.

“Ang problema ng human rights, including the United Nations, at saka itong --hindi ko ma-me­morize kasi because I hate her. ‘Yung rapporteur, si… ayaw ko nga i-pronounce ang pangalan niya. Basta ako, ‘Card,’” wika pa ni Duterte sa Filipino community.

“Nagdala siya ng itim, black doktor daw siya na... nagsabi raw siya on TV. You know, sabi niya, use of drugs is harmless. Sabi ko p***** i**** ‘to. Kaya sabi ko kay Callamard, kung imbestigahin mo ako, sampalin kita,” maanghang na pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo, ang pananaw ni Callamard ay taliwas sa UN report na may titulong “International Narcotics Control Board Precursors and Chemicals Frequently Used in the Illicit Manufacture of Narcotic Drugs and Tropic Substances 2014.” Aniya, mismong ang UN report ay nagbibigay ng babala na ang shabu kapag ginamit ay “sometimes triggers aggressive, violent and bizaare behavior among users.”

“Paano… how can I get a fair hearing if you yourself, who does not even read the publications of your mother organizations, of the United Nations,” giit pa ng Pangulo sa Filcom.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Binigyang-diin ng Pa­ngulo na kapag sinampahan siya ng kaso ng UN ay isasampal niya mismo sa kanila ang kanilang sariling report.

“Sige, tingnan natin, isampal ko ito sa kanila. Eh mismong study ninyo ayaw ninyong paniwalaan tapos ako, kulungin ninyo because of extrajudicial killing,” giit pa ni Pangulong Duterte.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: