^

Bansa

Nob. 8 giit gawing ‘Yolanda Day’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing Yolanda Commemoration Day ang Nobyembre 8 ng bawat taon.

Sa Senate Bill 1596 ni Sen. Sonny Angara, nais nito na maging non-working holiday sa Eastern Visayas ang Nobyembre 8 bilang paggunita sa malakas na bagyong tumama sa lugar kung saan libo-libong mamamayan ang namatay.

Sakaling pumasa, kanselado sa naturang araw ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa rehiyon partikular sa Tacloban City at sa mga bayan ng Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northern Samar, Western Samar at Eastern Samar. Ito ay bilang pagkilala at pagpaparangal din sa mga nanguna sa rehabilitasyon ng bahaging ito ng Kabisayaan.

Matatandaan na umabot sa mahigit 6,000 ang namatay, nasa 27,000 ang sugatan at 1,779 katao pa ang hanggang sa ngayon ang di pa nakikita matapos ang pananalasa ng naturang bagyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with