^

Bansa

Huling dry run sa ASEAN isinagawa

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagsagawa ng ikaanim at huling dry-run ngayong araw para sa convoy ng 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit na isasagawa sa bansa sa darating na linggo.

Ayon kay Emmanuel Miro, chairperson ng Technical Working Group on Traffic Management for the ASEAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-12:01 kaninang madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga isinagawa ang huling convoy dry run para sa mga delegado ng ASEAN Summit.

Isinara ang mga lanes mula sa Clark, Pampanga at EDSA mula Balintawak, Quezon City hanggang Magallanes, Makati City. 

Ang naturang hakbangin ay upang ma-familiarize ang sitwasyon at maiwasan ang anumang aberya tulad ng posibleng magdulot ito ng matinding trapik sa mga motorista.

Muling pinayuhan ni Miro ang publiko lalu na ang mga motorista, na iwasan nila ang kahabaan ng EDSA dahil simula Nobyembre 11 ay ipinagbabawal ng ipagamit sa mga motorista ang ASEAN Summit Lanes sa EDSA, mula Balintawak sa Quezon City hanggang Magallanes sa Makati City, mapa-Southbound at Northbound lanes.

Papayagan lamang dumaan ang convoy ng mga lider ng iba’t ibang bansa at mga delegado.

Bawal din sa mga malls at establisimyento na mag-sale, magpa-concert at magpa-fun run habang nagaganap ang summit.

Sarado rin ang lahat ng mga tindahan, kainan at anumang uri ng establisimyento lalu na sa bisinidad ng CCP complex.

Magiging crucial aniya ang Nobyembre 12, 13 at 14.

Sa ngayon ay ipatutupad ang partial lockdown sa ilang mga lugar na itinalagang ASEAN Summit Lanes tulad ng CCP Complex.

Subalit sa mga araw ng event ay ipatutupad ang “total lockdown” mismo sa mga area ng ASEAN Lanes.

Subalit, bago mag-Nobyembre 10 ay magpapatupad na ng mahigpit na seguridad dahil sa naturang petsa ang arrival ng ilang mga delegado na karamihan ay magmumula sa Clark Airbase, Pampanga.

Layunin aniya nito ay upang hindi maapektuhan ang mga flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Miro, simula Clark Airbase sasakay ng chopper ang mga lider papuntang venue ng ASEAN sa PICC, CCP Complex sa Pasay City.

Subalit depende na aniya sa lider ng bansa kung nais nitong “mag byland”.

Inamin ni Miro, na mas mahirap aniya ang kanilang preparasyon ngayong ASEAN Summit na ito, dahil mas mahaba aniya ang  ruta nito.

Gaganapin ang 31st ASEAN Summit simula Nobyembre 13-15 na dadaluhan ng 22 leaders at nasa 7,000 delegado kabilang ang mga nasa media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with