PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

UST Law dean Divina isinama na sa immigration watchlist

MANILA, Philippines — Higit 40 pangalan ang idinagdag ng Department of Justice sa kanilang Immigration Lookout Bulletin Order kaugnay ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio "Atio" Castillo III.

Kabilang sa mga bagong pangalan ay kay University of Santo Tomas Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na miyembro rin ng Aegis Juris Fraternity na nagsagawa ng initiation kay Castillo.

Bukod kay Divina, ilang mga abogado pa ang nasama sa listahan at ito ay sina:

  • Axle Bose
  • Alex Cairo
  • Alexander J. Flores
  • Allan Christopher Agati
  • Alvin S. Dysangco
  • Arnel A. Bernardo
  • Arthur B. Capili
  • Arthur Capili
  • Alston Kevin Anarna
  • Cecilio Jimeno
  • Cesar "Mong" Gaba dela Fuente
  • Cesar Ocampo Ona
  • Edzel Bert Canlas
  • Ferdinand Rogelio
  • Gaile Dante Acuzar Caraan
  • Herny Pablo Jr.
  • Jet Dela Peña Villaoman
  • Manuel Angelo Ventura III
  • Marvi Abo
  • Michael Vito
  • Niño Servanez
  • Brian Bangui
  • Cezar N. Tirol
  • Chuck Siazar
  • Edric Pilapil
  • Edwin C. Uy
  • Gabriel T. Robeniol
  • Henry Pablo Jr.
  • Kim Cyrill Roque
  • Lennert Bryan Galicia
  • Leo Lalusis
  • Luis Kapulong
  • Manny Ventura
  • Michael Joseph G. Fernandez
  • Nathan A. Anarna
  • Oscar T. Ce
  • Paulino L. Yusi
  • Robin Ramos
  • Romeo Rivera Laboga
  • Ronald Cheng
  • RR Magbuhos
  • Sam Cagalingan
  • Vicente Garcia
  • Wiliam S. Merginie
  • Zach Abolencia / Zach Abulencia

Makalalabas pa naman ng bansa ang mga nasa watchlist ngunit kinakailangan lamang ipaalam sa DOJ ang detalye ng kanilang biyahe.

Kahapon lamang ay isang miyembro ng fraternity ang bumaligtad at idinetalye ang sinapit ni Castillo.

Nagpapasok sa witness protection program si Mark Ventura na isinalaysay ang insidente at itinuro ang mga salarin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: