PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aegis Juris fratman bumaligtad, pumasok sa witness protection

MANILA, Philippines — Humingi ng proteksyon sa gobyerno ang isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na may malawak na kaalaman sa tunay na sinapit ng hazing victim na si Horacio "Atio" Castillo III.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation si Mark Ventura upang magpapasok sa Witness Protection Program (WPP).

Kasama ni Ventura ang kaniyang ina at ang abogadong si Ferdie Benitez nang magbigay ng sinumpaang salaysay sa harap nina WPP Executive Director Nerissa Carpio at NBI Deputy Director for Regional Operations Antonio Pagatpat.

Pinangalanan ni Ventura ang mga taong dumalo sa initiation rites at idinetalye ang pinagdaanan ni Castillo bilang neophyte hanggang isugod na sa ospital.

BASAHIN: Solano ginagago na ang buong Pilipinas – Zubiri

Kung tuluyang tatanggapin sa WPP ay tatanggalin na ang pangalan ni Ventura sa respondents ng kaso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi ni Aguirre na ikinatuwa ng pamilya ni Castillo ang pagbaligtad ni Ventura.

Hiniling naman ng iba pang mga suspek sa kaso na sina John Paul Solano, Alexander Hipe, at Oliver John Onofre na ibasura ang kasong murder, anti-hazing, robbery, at obstruction of justice laban sa kanila.

Ayon sa kanilang counter-affidavit sakit sa puso ang ikinamatay ni Castillo at hindi dahil sa hazing.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: