PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

China ibingay na sa Pinas ang $3-M halaga ng construction equipment

MANILA, Philippines — Naiabot na ng China ang $3 milyong halaga ng heavy equipment na gagamitin sa rehabilitasyon ng Marawi City kasunod ng pagtatapos na kaguluhan doon.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na natanggap na nila ang dump trucks, cement and mixers, excavators at bulldozers.

"We are thankful to the Chinese government for the swift and timely arrival of its donation at the Iligan Port," pahayag ni Dominguez.

Aniya isa ang China sa mga naunang bansa na nagpaabot ng tulong sa pagsasaayos ng lungsod.

Bukod sa construction equipment, nasa P7.3 milyong halaga ng military assistance na ang naibigay ng China, kabilang dito ang nasa 3,000 rifles at milyung-milyong mga bala.

"We expect investor confidence to strengthen further and the economy to grow even faster now that the conflict has been virtually resolved and the government has started raising spending on infrastructure and human capital development, which will supercharge growth and create more jobs for our people," patuloy ni Dominguez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nitong nakaraang linggo ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang lungsod ng Marawi sa ISIS-inspired terrorists, habang kahapon ay sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tapos na ang combat operations nila.

Tumagal ng limang buwan ang kaguluhan sa Marawi nang lusubin ng Maute terror group ang lungsod nitong Mayo.

Nasa ilalim pa rin naman ng martial law sa buong Mindanao kung saan inaasahang tatagal ito hanggang sa katapusan ng taon.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: