^

Bansa

Inmate todas sa selda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa tila sardinas sa lata sa siksikan ang mga inmate, posib­leng heatstroke ang ikinamatay ng isang 29-anyos na preso nang bigla itong mawalan ng malay sa loob ng piitan sa Manila Police District-Station 1, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sinubukan pang isal­ba nang isugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Cen-ter (GABMMC) subalit idineklarang dead-on-arrival si Orlando Angeles Y Alcoriza, residente ng No. 121 Mirasol St., Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Ma­rio Asilo ng MPD-Homi­cide Section, dakong alas-9:28 ng uma­ga nang matanggap ang tawag mula sa Station 1 hinggil sa insiden­te. Nabatid na gabi pa lamang ng Oktubre 22 nang mapansin nang kasamahang inmates na hirap sa pag-hinga at kinabukasan ay nawalan na ito ng malay.

Wala umanong indikasyon na pinatay ang biktima at ang mga nakitang sugat sa katawan nito ay bunga ng sakit sa balat na nakuha umano sa masikip na piitan.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon sa loob ng selda ang MPD-Homicide Section para matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Angeles.

Sa rekord ng na-sabing sitwasyon, si Ange­­les ay inaresto sa rek­lamong frustrated homicide noong Oktubre 11, nang saksakin sa kanilang pag-aaway ang isang Ronnie Tanion, 26, isang helper sa printing shop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with