Lehitimong taga-Marawi lang ang makakabalik sa lungsod
MANILA, Philippines — Siniguro ng Task Force Bangon Marawi na lehitimong residente lamang ng Marawi City ang makakabalik sa lungsod.
Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Asec. Toby Purisima, para masiguro na hindi sila malulusutan ng mga magpapanggap na evacuees ay pinag-aaralan nila ang pagbibigay ng ID sa magbabalik na displaced persons bago makabalik ng Marawi City.
“The government is considering ID system to ensure that only displaced persons will return to Marawi,” wika pa ni Asec. Purisima sa Mindanao Hour briefing sa Malacañang.
Wika pa ni Asec. Purisima, hindi makakaapekto sa rehabilitation plan ng gobyerno ang desisyon ng gobyerno na huwag tumanggap ng tulong galing sa European Union (EU).
“There decision not to accept donations from EU will not affect rehabilitation of Marawi ther are other groups that pledged assistance to Marawi,” paliwanag pa ni Purisima.
“Ang target ng NHA ay magtayo ng at least 1,100 transitional shelters within the year. Kung may certain areas na tapos na, pwede nang maglipat kahit unti-unti,” dagdag pa ng OCD official.
- Latest