20% discount sa studes aprub
Kahit walang pasok
MANILA, Philippines — Pinuri kahapon ni Senator Sonny Angara ang ipinalabas na Memorandum Circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFBR) na nag-uutos na bigyan ng 20% discount sa pamasahe ang mga estudyante kahit na Sabado at Linggo kasama ang holidays simula sa Oktubre 28.
Ang kautusan ay kahalintulad sa panukalang batas na isinusulong sa Senado si Angara sa ilalim ng Senate Bill 945. Sa panukalang batas ni Angara, ang diskwento sa pamasahe ng mga estudyante ay hindi lamang mula Lunes hanggang Biyernes, kundi maging sa Sabado at Linggo at mga holidays pati na summer at semestral breaks.
Sa panukala ni Angara, paiiralin ang 20% discount ng mga estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon, kabilang ang MRT, LRT, eroplano at barko.
Kasama rin sa makikinabang ng panukala ni Angara ang mga medical intern, gayundin ang mga mag-aaral na sumasailalim sa military trainings, specialized studies at tech-voc courses.
Kapag naging ganap na batas, ang mga mag-aaral namang bibiyahe pa-ibayong dagat para mag-aral ay makalilibre naman sa travel tax at aiport terminal fee. Ito ay kung makapagpapakita sila ng mga kaukulang dokumento.
- Latest