^

Bansa

Bagyong ‘Paolo’ patuloy na magpapaulan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahan na patuloy na magiging maulan ngayon hanggang bukas ang iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na sa mga Luzon at Visayas dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong ‘Paolo’ na pinaigting ng isang Low Pressure Area (LPA) at isa pang weather system sa bansa.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyong Paolo ay nasa layong 860 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes  taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 160 kilometro kada oras.

Si Paolo ay kumikilos pa-hilaga hilagang silangan sa bilis na 16 na kilometro bawat oras.

Samantala, ang bagyo ay pinalalakas ng isang LPA na nasa may 105 kilometro ng hilaga ng San Jose, Occidental Mindoro at ng southwesterly windflow na nagdadala ng mga pag-uulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na sa Visayas at sa mga rehiyon sa MIMAROPA at Bicol.

Ang mga residente dito ay pinapayuhan ng PAGASA na maging alerto dahil sa banta ng flashfloods at landslides dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang mga baybayin naman ng Northern Luzon, eastern seaboard ng Central at Southern Luzon, seaboard ng Palawan, western at eastern seaboards ng Visayas at ang western, northern at eastern seaboards ng Mindanao ay patuloy na makakaranas ng malalaking alon na banta sa maliliit na bangka.

Inaasahang lalabas ng ating bansa si bagyong Paolo ngayong araw ng Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with