^

Bansa

Pagdoble ng turistang bibisita sa bansa asahan- DOT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkakatanggal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa listahan ng “world’s worst airports”, asahan na ang pagdoble pa ng mga turistang bibisita sa bansa.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, kahit noong hindi pa natatanggal sa listahan ang NAIA ay patuloy sa paglago ang turismo sa bansa, kaya mas inaasahan ngayon na mas dadami pa ang mga turistiang papasok sa bansa.

Sa katunayan, 11 porsyento aniya ang iniangat ng turismo noong Hulyo.

Aniya, ito ay team effort dahil ang magiging beneficiary ay ang tourism industry.

Samantala, tiniyak ng Manila International Airport Authority o MIAA ang tuloy-tuloy na pagpapaganda sa mga paliparan sa bansa lalo na sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, tinitignan nila ito bilang malaking hamon kung paano mapapanatili ang gumaganda nang imahe ng NAIA.

Ikinalugod din ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagkakaalis ng NAIA sa listahan ng mga world’s worst airport.

Ani Tugade maituturing itong magandang balita ngunit hindi aniya rito natatapos ang pagsusumikap ng pamahalaan para pagandahin ang mga paliparan sa bansa.

Hangad ni Tugade na mapabilang naman ang mga paliparan ng bansa sa pinakamagagandang airport sa buong mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with