^

Bansa

Malaysian terrorist, 19 pa utas sa Marawi!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Malaysian terrorist, 19 pa utas sa Marawi!

Ganito na ang hitsura ng mga kabahayan at establisimyento malapit sa Mapandi bridge sa Marawi City matapos ang limang buwang bakbakan. Kahapon ay sinimulan na ang clearing operations sa mga controlled areas sa lungsod na unang bahagi ng rehabilitasyon. (KJ Rosales)

MANILA, Philippines — Kabilang ang sinasabing financier ng Maute at Malaysian terrorist leader na si Dr. Mahmoud Ahmad sa 20 napatay sa magdamagang operasyon ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Eduar­do Año, nitong Miyerkules ng gabi ay 13 ang napaslang na tero­rista habang pitong iba pa ang napatay kahapon ng umaga. Sinasabing kabilang sa mga nasawi rito si Dr. Mahmoud.

Na-rescue rin ang pito pang hostage kabilang ang mag-ina at isang dalagita na nagtamo ng splinter wound pero ligtas na sa kapahamakan. 

Isa rin sa mga nailigtas na bihag ang nagbigay naman ng impormasyon sa militar na napatay nitong Miyerkules ng gabi si Mahmoud at agad na inilibing alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.

“One of the rescued hostages revealed that Mahmoud was dead and buried last night (Wednesday). We will look for the cadaver,” ani Año.

Samantala ang ope­rasyon ay nagresulta rin sa pagkasugat ng 16 pang sundalo.

Ipinaliwanag naman ng AFP na nangangahulugan ito na ‘strategically defeated’ na ang mga kalaban at konting puwersa na lamang ang kailangang malipol.

Tinatayang nasa 20 pang hostages ang hawak ng Maute-ISIS sa lugar.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Año na mataas ang morale ng mga sundalo at motivated para tapusin ang giyera sa Marawi.

Sinabi naman ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner Jr., na sa kasalukuyan ay hindi pa makuha ang bangkay ni Dr. Mahmoud dahil may mga ‘sniper fires’ pa sa lugar ng bakbakan.

Inihayag nito na isa sa mga sniper ng militar ang nakapatay kay Dr. Mahmoud. 

Magugunita na sumiklab ang krisis sa Marawi City noong Mayo 23, 2017 na halos nasa limang buwan na matapos lumusob ang Maute at maghasik ng terorismo kabilang na ang pa­nununog ng mga gusali, kabahayan at pangho-hostage ng mga sibilyan.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa ng martial law ang buong rehiyon ng Mindanao na magtatagal hanggang Dis. 31, 2017.

Umaabot na sa 867 ang napapatay na tero­rista, 164 sa panig ng government troops at 47 sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with