^

Bansa

‘Paolo’ napanatili ang lakas, LPA sa Palawan magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Pilipino Star Ngayon
�Paolo� napanatili ang lakas, LPA sa Palawan magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Paolo” ang lakas nito habang gumagalaw palabas ng bansa, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes ng umaga.

Huling namataan ng PAGASA si Paolo sa 690 kilometro hilaga-silangan ng Borongan City, Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ng ika-16 na bagyo ngayong taon ang lakas na 120 kilometers per hour at bugsong aabot sa 145 kph, habang gumagalaw pa hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Forecast positions:

24 Hour(Tomorrow morning): 845 km East of Tuguegarao City, Cagayan(18.7°N, 129.6°E)

48 Hour(Saturday morning):830 km East of Basco, Batanes(21.3°N, 129.9°E)

72 Hour(Sunday morning): 1,045 km East Northeast of Basco, Batanes(25.1°N, 130.8°E)

96 Hour(Monday morning):1,475 km Northeast of Basco, Batanes(29.1°N, 133.0°E)

120 Hour(Tuesday morning):2,370 km Northeast of Basco, Batanes(35.5°N, 139.1°E)

Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area sa 150 kilometro hilaga-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Magpapaulan sa Palawan, Bicol region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at ARMM ang bagyong Paolo at ang LPA.

Inaasahang sa Linggo pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Dahil nasa katubigan lamang ito, wala itong direktang epekto sa bansa at wala rin namang nakataas na tropical cyclone warning.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with