^

Bansa

Mag-iiwan ng bata sa sasakyan may parusa

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng mga mambabatas sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6570, na naglalayong ipagbawal ang pag-iwan sa mga batang may walong taong gulang pababa sa mga sasakyan.

Inindorso ni committee on welfare of children chairman Rep. Divina Grace Yu ang nasabing batas sa plenaryo na ini-akda bilang principal author nina Reps. Strike Revilla at Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ilalim ng batas, ang bata ay dapat may kasamang 18 years old o mas matanda pa habang nasa loob ng umaandar na sasakyan o ang susi nito ay nasa loob nito.

May parusang P5,000 sa first offense, P10,000 se­cond offense at P50,000 at kukumpiskahin pa ang lisensiya sa third offense. Sa mga susunod na paglabag tatanggalan ng driver’s license ang magkakasala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with