^

Bansa

Mga bulok na dyip dapat wala na sa Enero - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mga bulok na dyip dapat  wala na sa Enero - Duterte

Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang mensahe sa Federalism Summit sa Pili, Camarines Sur kagabi. File

MANILA, Philippines — Hindi na papayagan ni Pangulong Duterte na makabiyahe ang mga bulok na pampasaherong jeepney simula sa Enero ng susunod na taon.

Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang mensahe sa Federalism Summit sa Pili, Camarines Sur kagabi.

Sinabi ni Pangulong Duterte, dapat ipatupad na ang jeepney modernization program ng gobyerno dahil sanhi ng polusyon ang mga bulok na jeep sa lansangan na nalalanghap ng taumbayan.

“I’ll give you until the end of the month or end of the year, sumunod kayo.  January 1, pag di niyo namodernize yan, umalis kayo,” wika pa ni Pangulong Duterte patungkol sa transport group na PISTON.

Nagsagawa ng 2 araw na tigil pasada ang Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na ang layunin ay tutulan ang ipapatupad na phase out ng mga jeepney.

“Sa panahon ko sabay tayo magstrike. Tignan natin. Aarestuhin ko talaga kayo. Believe me. Yan ang pagkakamaling gusto ko. You give me the reason to enforce the law against all. Walang pili,” giit pa ng Pangulo.

Nagbanta ang Pangulo na kapag hindi susunod ang mga tsuper sa nasabing jeepney modernization ay talagang ipapaaresto niya ang mga ito.

“People of the Philippines are inhaling the fumes...Intindihin niyo mabuti, di ako papayag. January 1, pag nakita ko jeep niyo diyan, walang rehistro, guguyurin ko yan sa harap niyo. I’ll give you until the end of the month or end of the year, sumunod kayo,” banta pa ni Duterte.

Aniya, ang makakaliwang grupo ay mga prente lamang ng Communist Party of the Philippines.

“Ang Karapatan, Piston, KMU: They are just the legal front of the Communist Party of the Philippines,” akusasyon pa ng Pangulo.

Aniya, karamihan din sa mga disgrasya sa kalsada mula sa mga pampasaherong jeep ay dahil pumalpak ang mga preno dahil sa kalumaan na ng jeepney.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with