^

Bansa

Security escort, tinepok ng kabaro!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang security escort matapos na barilin ng kanyang kapwa security escort nang mag-away ang mga ito hinggil sa kanilang trabaho sa Brgy. Fortune, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Randy Santos, at residente ng Tambakan Pagray sa Antipolo City habang nakatakas naman ang suspek na si Jay Jalapadan, ng PSS Lacolina Santan St. sa Brgy. Fortune, na tinutugis na ng mga awtoridad.

Batay sa inisyal na ulat ng Marikina City Police, dakong alas-8:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa Eco Ville St. sa naturang barangay.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na bago ang krimen ay madalas na umanong magtalo hinggil sa trabaho ang dalawa, na kapwa nagtatrabaho bilang VIP security escort, ngunit tumanggi na ang mga awtoridad na tukuyin pa kung sino ang indibidwal na binabantayan ng mga ito.

Muli na naman umanong nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang da­lawa kamakalawa ng gabi, na nauwi sa pamamaril. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with