PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Valle OIC ng DoH; Rio sa DICT

MANILA, Philippines — Itinalaga kahapon ni Pangulong Duterte si Health Undersecretary for Operations Herminigildo Valle bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DoH).

Kasunod ito ng pag-reject ng Commission on Apppintments (CA) sa nominasyon ni Dr. Paulyn Ubial bilang kalihim ng DoH.

Una nang itinalaga ng Malacañang si Usec. Valle bilang chief of staff ng DoH noong nakaraang buwan.

Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Undersecretary Eliseo Mijares Rio Jr. bilang OIC naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos mag-resign si Sec. Rodolfo Salalima noong nakaraang buwan dahil umano sa “conflict of interest.”

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naglagay ng officer-in-charge ang Pangulo sa dalawang ahensiya upang maging tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: