PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Palasyo: Mahal pa rin ng mga Pinoy si Duterte

MANILA, Philippines — Sa kabila ng malaking pagbagsak sa net satisfaction at trust ratings, naniniwala ang Malacañang na mahal pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na normal lamang na bumababa ang grado ng isang pangulo makalipas ang isang taon sa pwesto.

Aniya tapos na ang “honeymoon period” ni Duterte.

"These things usually happen. This is traditionally happening after a year, a year and a half, and you know, the love is still there," paliwanag ni Abella.

BASAHIN: Ratings ni Digong babagsak pa - Trillanes

"That some people during this particular honeymoon period, their expectations were high, and the actual wait for the implementation of these things may have led to the dip. However, people are still, in general, still satisfied," dagdag niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakakuha pa rin naman si Duterte ng “good” na satisfaction rating, habang “very good” pa rin ang kaniyang trust rating.

Sinabi ni Abella na hindi naman pinapansin ni Duterte ang tingin sa kaniya at tiniyak na patuloy pa rin magtatrabaho ang pangulo.

"He said he will serve a full term, and that he is set—he’s really bent on making sure that he addresses the three campaign themes, which is crime, corruption, and illegal drugs," sabi ng tagapagsalita.

"But he himself is basically concerned—even if it is an unpopular move—he is making sure that the Philippines will have the proper foundation: crime-free, drug-free and corruption-free," dagdag ni Abella.

BASAHIN: Trust at satisfaction ratings ni Digong bumaba

Ito na ang pinakamababang nakuhang grado ni Duterte mula nang maupo sa pwesto.

Samantala, naniniwala naman ang isa sa matitinding kritiko ng pangulo na si Sen. Antonio Trillanes na bababa pa ang ratings ni Duterte sa mga susunod na buwan.

Aniya nakikilala na ng publiko ang tunay na pagkatao ni Duterte na sinabihan niyang walang kakayahan na magpatakbo ng bansa.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: