^

Bansa

Chinese ‘drug trader’, itinumba

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay noon din ang isang  Chinese national na may kasong pagtutulak ng droga nang pagbabarilin ito ng apat na hindi kilalang kalalakihan habang kagagaling lamang ng biktima sa hearing nito sa korte sa Las Piñas City kahapon ng hapon.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, dead-on-the-spot ang biktimang si Leo Xin may mga aliases na “Francis Lee”,  ‘Alex Sy” at “Wahya”, 43, nanunuluyan sa BF Resort Village,  Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Sa inisyal na report na natanggap ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-3:20 kahapon ng hapon  malapit sa isang restobar sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Brgy.  Pamplona 3 ng naturang lungsod.

Kagagaling lamang ng biktima mula sa hearing nito sa kasong kinakaharap, paglabag sa Section 5, Republic Act 9165 (pushing) sa Las Piñas City Regional Trial Court (RTC).

Habang naglalakad ang biktima sa naturang lugar ay biglang sumulpot sa harapan nito ang apat na kalalakihan at walang salitang pinagbabaril ito, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi nabanggit na direksiyon.

Inaalam pa ng pulisya, kung ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with