^

Bansa

Total ban sa hazing

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Total ban sa hazing

Dininig kamakalawa ng gabi sa Senado ang kaso ng pinakahuling namatay sa hazing na si Horacio “Atio” Castillo III. File

MANILA, Philippines — Itinutulak sa Senado na maamyendahan ang Anti-Hazing Law upang tulu­yang i-ban ang lahat ng uri ng hazing sa bansa.

Dininig kamakalawa ng gabi sa Senado ang kaso ng pinakahuling namatay sa hazing na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na aminadong nakaranas ng hazing noong nag-aaral pa, pabor siya na siliping muli ang batas upang maamiyendahan.

Sinabi ni Drilon ang kanyang naging karanasan sa hazing ang nagbi­gay sa kanya ng conclusion na dapat itong i-ban.

Bukod kay Drilon naniniwala rin sina Senators Bam Aquino, Grace Poe at Juan Miguel Zubiri na dapat ng i-ban ang hazing sa bansa.

Sa Kamara ay isinusulong na ring gawing krimen ang hazing matapos ang pagkamatay ni Castillo.

Sa House Bill 6440 ni Kabayan Rep. Harry Roque, idedeklara ring iligal ang mga organisasyon na magpa-practice ng anumang uri o paraan ng hazing para matanggap sa fraternity o sorority.

Nakasaad pa sa panukala na ang sinumang present sa hazing kahit hindi pa nakikiisa dito ay maituturing na principal sa krimen maliban kung hinadlangan niya ang aktibidad.

Nais ng kongresista na taasan ang parusa sa mga sangkot sa hazing.

Paliwanag pa ni Roque na ang Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law na pinagtibay noong 1995 ay hindi na sapat dahil napatunayan nang hindi ito na­ging deterrent sa hazing.

Samantala, sinimulan na rin dinggin ng sub-commiteee on Prosecutorial Reforms ng House Justice committee ang panukala ni Bagong Hene­rasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na rebisyon sa Anti-hazing Law kung saan ipinagbabawal sumali sa fraternity at sorority sa loob at labas ng eskuwelahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with