^

Bansa

Phl sa Vietnam: Probe sa 2 Vietnamese killing, magiging patas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng pamahalaan sa Vietnam na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang ma­ngingisdang Vietnamese na naaktuhan ng Philippine Navy na illegal na nangi­ngisda sa karagatang sakop ng Pangasinan.

Personal na nakausap ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang opisyal ng Vietnam sa gi­nanap na ika-72 sesyon ng United Nations General Assembly at siniguro na magiging patas ang im­bestigasyon sa insidente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Vietnam Embassy sa Manila kaugnay sa insidente.

Ayon naman kay Col. Edgard Arevalo, Chief ng AFP Public Affairs Office, sinimulan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsisiyasat sa pagkamatay ng dalawang Vietna­mese na kasama sa pitong mangingisdang Vietna­mese na tinugis ng Navy men kamakalawa matapos na maaktuhang illegal na nangingisda sa Cape Bolinao, Pangasinan.

 Nagkaroon umano ng habulan sa pagitan ng Patrol Ship 19  ng Naval Forces Northern Luzon ng Navy at ng Vietna­mese fishing dahilan upang mag-warning shot ang mga Navy personnel. Binangga umano ng Vietnamese fishing vessel ang Patrol Ship 19 at nang magsagawa ng visit, board, search and seizure (VBSS) sa barko ang Navy personnel ay natagpuan sa loob nito ang bangkay ng dalawang Vietnamese.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, base sa ulat ni Pangasinan Provincial Police Office PPO) Director P/Sr. Supt. Ronald Oliver Lee, ang dalawang nasawing Vietnamese ay sina Le Van Liem, 41 anyos at Le Van Reo, 41 anyos; pawang nagtamo ng tama ng bala sa katawan habang anim na tama ng bala ang nakita sa barko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with