^

Bansa

Probe sa hazing hinaharang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Probe sa hazing hinaharang

Ibinulgar ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na kumikilos umano ang ilang maimpluwensyang personalidad upang hadlangan ang pagsasampa ng kaso sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na umano’y mga utak sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III na law student ng University of Sto. Tomas (UST). File

MANILA, Philippines — Ilang maimpluwensiyang tao ang umano’y nakikialam sa imbestigasyon sa kaso ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ibinulgar ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na kumikilos umano ang ilang maimpluwensyang personalidad upang hadlangan ang pagsasampa ng kaso sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na umano’y mga utak sa pagkamatay ni Castillo na law student ng University of Sto. Tomas (UST).

Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, may natanggap siyang impormasyon na ginagamit ng nasabing mga personalidad ang kanilang kuneksyon sa gobyerno upang mapatagal o tulu­yang mapigilan na makasuhan ang mga fratmen na suspek sa pagkamatay ni Castillo.

“May mga delaying tactics sila para hindi maisampa ang kaso laban sa mga suspects. May mga gala­may sila para kumilos ng sa ganun ay hindi umusad ang imbestigasyon,” dagdag ni Jimenez.

May posibilidad din ani­ya na bukod sa kanilang mga pamilya, ang mga maiimpluwensyang tao na ito ang nagsisilbing protektor ng mga nagtatagong miyembro ng Aegis Juris.

Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga magulang ni Castillo na mag-ingat, lalo na sa mga taong maaa­ring gamiting emisaryo ng kabilang kampo.

Pinatatagal umano ang pagsasampa ng kaso sa korte upang magkaroon ng pagkakataon ang kampo ng mga suspek na makiusap at makipag-areglo sa mga magulang ng biktima.

Inamin din ni Jimenez na dahil sa mga ganitong istratehiya, 80 porsyento ng hinawakan nilang kaso ng mga namatay sa hazing ay nadismis sa korte.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi niya papayagang makaporma ang sinuman upang makialam at maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.

Dagdag ng kalihim, walang sisinuhin ang administrasyong Duterte sa hanay ng mga suspek kahit sino pa man ang lumantad na kanilang backer.

Natitiyak din niyang mapapahiya ang sinumang emisaryo ng mga suspek dahil sigurado namang tatanggihan ng pamilya Castillo ang alok na areglo kung mayroon man.

Sa halip ay hinimok ni Aguirre ang mga pamilya, kamag-anak at kaibigan, pati na rin ang ibang tumutulong sa mga nagtatagong miyembro ng Aegis Juris na payuhang sumuko ang mga ito at harapin ang akusasyon laban sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with