^

Bansa

Colorum PUVs pinabibigyan ng amnesty

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Colorum PUVs pinabibigyan ng amnesty

Ito’y kaugnay ng planong jeepney phaseout ng DOTr kung saan nakatakda namang magsagawa ng tigil-pasada ang ilang transport groups sa dara­ting na Setyembre 25-26. File

MANILA, Philippines — Hinimok kahapon ni Aasenso Partylist Rep. Teodoro Montoro ang Department of Transportation (DOTr) na maglatag ng kapaki-pakinabang na amnesty program ang gobyerno para sa mga operator ng colorum jeepney, bus, UV (utility vehicle), Express at taxi kaugnay ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization.

Ito’y kaugnay ng planong jeepney phaseout ng DOTr kung saan nakatakda namang magsagawa ng tigil-pasada ang ilang transport groups sa dara­ting na Setyembre 25-26.

Sinabi ni Montoro, miyembro ng House Committee on Transportation na dapat may probisyon ang amnesty program na mag-oobliga sa lahat ng operator ng colorum units na isuko sa gobyerno ang lahat ng colorum units para mapalitan ito ng mga electric at environment-friendly na mga sasakyan.

Ang mga amnesty-covered na colorum units na maayos pa ay ido-donate naman ng gobyerno sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa mga probinsya sa labas ng metro-cities para mapakinabangan ng mga estudyante at mga guro.

Habang ang mga bulok o luma na at kaka­rag-karag nang colorum units ay kakatayin at pi­piyesa­han at ilalagak ang mapagbebentahan sa kaban ng gobyerno.

“Ang nasabing amnesty ay epektibong diskarte para matanggal ang libu-libong mga colorum at road unworthy na mga sasakyan na bumibyahe pa rin sa Metro-Manila at mga urban areas. Luluwag na ang trapiko, mababawasan pa ang air pollution,” giit pa ni Montoro, kinatawan ng party-list para sa mga manggagawa.

“Ang panukala kong amnesty program ay lulutas din sa transportation problems ng malalayong SUCs. Ang mga isusukong roadworthy na sasakyan ay maaaring ipanghatid at sundo sa mga estud­yante at propesor sa mga kanayunan na nagbibiyahe pa ng malayo para lamang makarating sa eskwela­han,” dagdag pa ng solon na isa sa mga may-akda ng House Bill 6112 or Public Utility Vehicle Monito­ring Act, isang panukalang umaayon sa modernization plan ng DOTr.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with