^

Bansa

Protesta hindi dapat maliitin – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Protesta hindi dapat maliitin � Lacson

Ipinaalala ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na kung pagbabatayan ang kasaysayan ng mundo, lahat ng mga bumagsak na liderato nagsimula dahil sa pagpo-protesta ng iilan. File

MANILA, Philippines — Hindi dapat maliitin ang bilang ng mga nagsagawa ng protesta kamakalawa laban sa administrasyong Duterte na isinabay sa paggunita ng deklarasyon ng Martial Law.

Ipinaalala ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na kung pagbabatayan ang kasaysayan ng mundo, lahat ng mga bumagsak na liderato nagsimula dahil sa pagpo-protesta ng iilan.

Sinabi ni Lacson na ang bilang ng mga nagprotesta ay hindi maaring isantabi na lamang ang sabihing mga nag-iingay lamang laban sa administrasyon.

Kung ikukumpara umano sa nakuhang boto ng Pangulo, maituturing na napakaliit ang bilang ng nasa 5,000 hanggang 8,000 nagsagawa ng kilos protesta pero hindi pa rin ito dapat balewalain.

Pero naniniwala rin si Lacson na hindi babalewalain ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga negatibong isyu na ibinabato sa kanyang administrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with