PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trader na nagwala sa MPD, timbog na

MANILA, Philippines — Arestado na ang isang lalaki na nagwala sa loob ng Manila Police District (MPD) na kamuntik nang makasagasa ng mga nagkokober na media, kahapon ng madaling araw  sa United Nation Avenue, Ermita, Maynila,

Kahapon ay itinurn-over na sa MPD-General Assignment and Investigation Section ang suspek na si Arvin Tan, nasa 40 anyos, may-asawa at may-ari umano ng E-Games at iba pang negosyo at sinasabing alma mater niya ang UST.

Nagkaroon ng pagdududa ang media na may kaugnayan din siya sa kaso ni Horacio Castillo III na isang UST student na napatay sa hazing dahil nang bumulaga siya sa Homicide Section ala 1:00 ng madaling araw ay nag-video siya sa lumutang na UBER driver na nagbibigay ng salaysay sa imbestigador hinggil sa kinalaman niya sa Horacio Castillo hazing case.

Ayon naman sa paliwanag ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo,  walang kinalaman o kaugnayan si Tan sa kaso ng UST student.

Nabatid mula sa ulat na unang nagtungo si Tan sa MPD-Station 8 sa Sta Mesa  at doon nagwala.

Nang sitahin ng pulis kung ano ang intensiyon o kailangan sa Homicide Section ay biglang lumabas at sumakay sa kaniyang itim na Toyota Camry (ACA-3829), hi­ningan ng ID at nagpakilalang siya ay taga DILG at nagsindi ng sigarilyo, pero nang pinalalabas ng sasakyan ay pinasibad ang sasakyan niya na kamuntik pang sagasaan ang mga mamamahayag at binangga ang gate hanggang sa magwarning shot ang mga pulis at nauwi sa habulan hanggang sa Sta. Ana, Maynila.Nakatakdang ipagharap ng patung-patong na kaso si Tan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inaalam pa kung ang dalawang sugat ni Tan sa likod ay bunga ng pamamaril nang siya ay nagpahabol sa mga pulis.

Inamin ng legal counsel ni Tan na si Atty. Donna Masilungan-Jalmasco na dumaranas ngayon ng Schizoprenia , isang mental disorder ang kliyente kaya matapos umano ang inquest procee­dings ay hihilingin nila na maospital muna dahil sa nararanasan.

Itinanggi rin ng abugado na miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang kliyente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: