PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Filing ng COC sa Bgy., SK polls itinakda sa Sept. 23

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa Setyembre 23-30, 2017 ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga nais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections. PAUL JUN E. ROSAROSO/File

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa Setyembre 23-30, 2017 ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga nais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Sa Resolution No. 10196 na pirmado ng pitong miyembro ng Comelec En Banc, tatanggap ang mga lokal na tanggapan ng Comelec ng COC kahit araw ng Sabado at Linggo simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Kinakailangan din na personal na ihain ng kandidato ang COC o kaya ay ng kanyang kinatawan pero dapat ay may kalakip na letter of authority na nilagdaan ng kandidato.

Hindi tatanggap ang Comelec ng COC na isinumite sa pamamagitan ng snail mail, electronic mail o di kaya ay ipinadala sa facsimile. Walang filing fee na sisingilin sa paghahain ng COC.

Ang mga appointed official sa gobyerno, kabilang na ang mga aktibong miyembro ng AFP at iyong mga nasa gov’t-owned and controlled corporation ay ikukunsidera nang nagbitiw sa pwesto kapag naghain ng COC.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: