PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sereno bumuo ng defense panel vs impeachment

Tatayong tagapagsalita ng depensa ni Sereno si Atty. Carlo Cruz na anak ng pumanaw na si dating SC Justice Isagania Cruz habang lead counsel si Atty. Alexander Poblador. File

MANILA, Philippines —  Bumubuo na ng legal team ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dedepensa para sa kanya sa kinakaharap niyang impeachment complaint.

Tatayong tagapagsalita ng depensa ni Sereno si Atty. Carlo Cruz na anak ng pumanaw na si dating SC Justice Isagania Cruz habang lead counsel si Atty. Alexander Poblador.

Nagtapos si Cruz bilang cum laude sa San Beda College of Law nuong 1982.

Bumuo rin ng karera si Atty. Cruz sa legal acade­mic at nagturo sa pitong law school sa bansa kabilang na ang University of Sto. Tomas Faculty of Civil Law, San Beda College of Law at University of the Philippines College of Law.

Samantala si Poblador ay nagtapos bilang cum laude sa University of the Philippines nuong 1974, at top 3 sa 1978 Bar Exa­minations.

Naging abugado siya ni Sen. Grace Poe sa kanyang disqualification case nang kumandidato siya sa 2016 Presidential Elections, at naging tagapagtanggol ni Sen. Panfilo Lacson nang siya ay maharap sa kaso kaugnay ng pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at sa kanyang driver na si Emmanuel Corbito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: