PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trillanes walang paki kung mag-resign si Mocha Uson

MANILA, Philippines – Binalewala ni Sen. Antonio Trillanes IV ang naging pahayag ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson na kusang bababa sa puwesto kung matatalo sa inihaing libel case ng senador.

Sinabi ni Trillanes ngayong Miyerkules na wala siyang pakialam kung magbitiw sa puwesto si Uson.

“I really couldn’t care less whether she resigns or not,” wika ni Trillanes.

BASAHIN: Trillanes kakasuhan ng libel sina Uson, Tulfo, CNN contributor sa fake news

“While I am fully aware that Secretary Aguirre’s minions at the DOJ would eventually exonerate her, in the interest of justice, I would file the libel case anyway,” dagdag ng senador.

Nakatakdang magsampa ng kasong libel si Trillanes laban kina Uson, Erwin Tulfo, at Ben Tesiorna kaugnay ng pagpapakalat umano ng mga ito ng fake news sa kani-kanilang social media accounts.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hamon naman ni Uson ay ituloy na lamang ang kaso at kung matatalo ay handa aniya siyang bumaba sa puwesto.

“Ituloy mo ang kaso, hinahamon kita, at kung mananalo ka, magre-resign ako. Ngunit kung matalo ka, ikaw ang mag-resign," hamon ni Uson.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: