PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ilang senador ilalaban ang budget ng CHR na inipit ng Kamara

MANILA, Philippines – Tila nakahanap ng kakampi ang Commission on Human Rights (CHR) sa Senado matapos ipasa ng Kamara ang P1,000 pondo nila para sa 2018.

Dismayado ang nakararami sa ginawa ng Kamara sa CHR, kabilang dito ang ilang senador na sina Sen. Panfilo Lacson na siyang sponsor ng budget ng independent office.

BASAHIN: Kamara naglaan ng P1,000 budget sa CHR

Sinabi ni Liberal Pary leader Sen. Kiko Pangilinan na hindi sila papayag na tuluyang maipasa ang P1,000 pondo ng CHR.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa botong 119-32 ay lumusot sa Kamara ang napakaliit na pondo ng CHR. Nauna nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na “zero budget” sana ang gusto niya kung hindi rin lamang pwedeng i-abolish ang CHR.

Naging matinding kritiko ng gobyerno ang CHR dahil sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: