PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Maring’ lalabas ng PAR ngayong gabi

MANILA, Philippines — Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong “Maring” ngayong Miyerkules ng gabi o bukas ng madaling araw, ayon sa state weather bureau.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 370 kilometro kanluran ng Iba, Zambales kaninang alas-4 ng umaga.

Lumakas pa si Maring sa 85 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 105 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Wala na namang tropical cyclone warning signals ang nakaataas sa buong bansa ngunit asahan pa rin ang mahina hanggang sa paminsan-minsang malakas na pag-ulan.

Forecast positions

24 Hour(Tomorrow morning): 565 km North of Pagasa Island, Palawan (OUTSIDE PAR)(16.0°N, 113.4°E)
 
48 Hour(Friday morning):945 km North Northwest of Pagasa Island, Palawan (OUTSIDE PAR)(18.3°N, 109.7°E)
 
72 Hour(Saturday morning): 1,385 km Northwest of Pagasa Island, Palawan (OUTSIDE PAR)(20.1°N, 105.3°E)
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: