^

Bansa

Magulang nina Carl, Kulot nasa witness protection na

Pilipino Star Ngayon
Magulang nina Carl, Kulot nasa witness protection na

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa magulang ng napaslang na si Carl Arnaiz sa Palasyo kung saan tiniyak niya na makakamit ang hustisya. 

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kaligtasan, isinailalim na sa witness protection program ang magulang ng mga pinasalang na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman, ayon sa Public Attorney's Office (PAO).

Sinabi ni PAO chief Persida Acosta na nakatakdang isampa ang kasong murder sa susunod na linggo para sa pagkasawi nina Arnaiz at de Guzman.

Magkasamang umalis sina Arnaiz at de Guzman sa Cainta, Rizal noong Agosto 17 at ilang araw ang lumipas bago sila natagpuang patay.

BASAHIN: Poe paiimbestigahan ang magkakasunod na pagpatay sa mga bata

Sinabi ni Acosta na full coverage ang ibinigay sa magulang ni Arnaiz, habang provisional coverage naman sa mga de Guzman.

Sa isang punerarya na sa Caloocan City nakuha ang bangkay ni Arnaiz makalipas ang 10 araw. Nasawi si Arnaiz matapos umanong mangholdap ng taxi at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.

Palutang-lutang naman nang nakita ang bangkay ni 14-anyos na si de Guzman sa Gapan, Nueva Ecija na nagtamo ng halos 30 saksak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with