^

Bansa

Pinsan ni Carl Arnaiz sa mga pulis: Nakakatulog pa ba kayo sa gabi?

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
 Pinsan ni Carl Arnaiz sa mga pulis: Nakakatulog pa ba kayo sa gabi?

Giit ni April, inosente ang kanyang pinsan.

MANILA, Philippines – “Nakakatulog pa ba kayo sa gabi?”

Ito ang tanong ni April Arnaiz sa mga pulis na nakapatay sa kanyang 19-anyos na pinsan na si Carl Angelo Arnaiz sa Caloocan City noong Agosto 18.

Sa isang Facebook post, hindi napigilan ni April ang pagkadismaya sa sinapit ng kanyang pinsan sa kamay nina PO1 Ricky Arquilita at PO1 Jefrey Perez matapos umano niyang makipagpalitan ng putok pagkaraan na mangholdap ng sinasakyang taxi sa C-3 Road.

“Pinsan lang ako, siguro mas masakit pa yung nararamdaman ngayon ng parents niya, ng ate niya,” wika ni April.

Sa parehong post, tinuligsa rin ni April ang naging pahayag ng mga pulis at inisa-isa ang sinapit ng kanyang pinsan na umano’y walang habas na pinatay ng mga otoridad.

“May bakas ng posas sa kamay na parang pilit niyang gustong tanggalin, may tama ng bala sa braso, tatlo sa dibdib, isa sa tagiliran. Walang gun powder sa kamay tulad ng kwento ng mga hayop na pulis. May bakas na pinaluhod sya at nagmakaawa para sa buhay niya. Yung damit na suot niya noong natagpuan siya ay ‘di ‘yun ‘yung suot niya noonng huli siyang nakita,” patuloy ni April.

Giit ni April, inosente ang kanyang pinsan.

“So ano? Pipilitin ninyong paaminin tapos ‘pag wala kayong mapiga papatayin n’yo nalang? Ganon? How can you take the life of someone with your hands?”

“Soon, justice will be served.” saad ni April.

Ayon sa imbestigasyon ng Public Attorney’s Office, lumabas na pinahirapan at pinatay si Carl Angelo.

Samantala, tinanggal na sa puwesto sina Arquilita at Perez at ngayon ay nasa kustodiya na ng Camp Bagong Diwa.

Ang pagkamatay ni Carl Angelo ay kasunod ng brutal na pagkakapatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos na di umano’y sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with