^

Bansa

TESDA employees pararangalan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagpapakita ng kanilang galing at talino kaya bibigyan ng parangal at pagkilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang mga natatanging empleyado  kasabay sa isang linggong pagdiriwang ng ika-23 taong anibersaryo ng ahensiya.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, kabilang sa mga ibibigay na pagkilala sa mga kawani ay ang Loyalty Award, Model Employees at Perfect Attendance Award.

Dalawampung kawani sa Central Office ng TESDA ang may Loyalty Award na may 10 taon sa serbisyo, 15, 20, 25, 30 o higit pa habang sa Model Employees Award ay hahatiin naman sa apat na kategorya ito ay ang Category 1 (1st level employees with salary grade 1-12), Category 2 (2nd level employees-salary grade 13-23), Category 3 (salary grade 24) at Category 4 (3rd level employees-salary grade 25-27).

Bukod dito, magbibigay din ang TESDA ng 14 na Kabalikat Awards sa iba’t-ibang kategor­ya tulad ng Industry Partner, Local Government Unit (LGU) Partner, Legislative Partner, Development Partner at National Government Agencies (NGA) na naging katuwang ng ahensiya sa pagbibigay ng serbisyo.

Magbibigay din ng Tagsanay Award para sa magaga­ling na trainers mula sa pribado at pampublikong Technical Vocational Institutions (TVIs) at TESDA Technology Institutions (TTIs) kung saan ?ay 29 sa mga ito ang maglalaban-laban.

Bibigyan naman ng pagkilala ng TESDA ang mga nagtapos ng Technical Vocational Education and Training (TVET) na nagpamalas ng husay sa kanilang napiling trabaho kabilang na dito ang mga kategorya ng Self-Employed Category (7 candidates), Wage-Employed Category (14 candidates) at Batang TESDA Award.

Ilulunsad naman ng TESDA ang Regional Performance Award sa tatlong mapipiling rehiyon habang ipagdiriwang din ang araw ng kapanganakan ng mga empleyado na ipinanganak sa buwan ng Hulyo at Agosto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with