^

Bansa

3 brgy na lang sakop ng Maute sa Marawi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ilang barangay na lamang sa Marawi City ang sakop ng teroristang Maute Group.

 Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, nasa dalawa o tatlong barangay na lamang ang hawak ng teroristang grupo.

 Dahil dito ay naniniwala si Arevalo na malaki ang posibilidad na nasa loob pa rin ng battle area ang magkapatid na sina Omar at Abdullah Maute gayundin ang kanilang lider na si Isnilon Hapilon.

 Base sa record ng AFP, dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa ay mayroon dalawang terorista ang napatay habang isa ang napatay sa hanay ng militar.

 Sa kabuuan, mayroon nang napapatay na 585 sa panig ng Maute group, sibilyan 45, 128 killed in action, 1,728 na mga bakwit ang na-rescue at 648 na mga armas ang narekober ng military.

 Hindi naman nagbigay ng deadline ang AFP kung kailan matatapos ang giyera sa Marawi City hangga’t hindi umano tuluyang nababawi ng tropa ng sundalo ang buong area para masabing tapos na ang kaguluhan dito.

 Ngunit nilinaw ni Arevalo na isa lamang ang natitiyak nila, na ang giyera sa Marawi ay nasa huling yugto na. (Gemma Garcia with trainee Engrid Genova)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with