^

Bansa

De Lima humirit na makadalo sa Senate hearing ng Kian slay

Pilipino Star Ngayon
De Lima humirit na makadalo sa Senate hearing ng Kian slay

Nakakulong sa Philippine National Police custodial center sa Camp Crame si Sen. Leila de Lima dahil sa umano’y kaugnayan niya sa ilegal na droga. AP/Bullit Marquez, file

MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Sen. Leila de Lima ngayong Martes sa Korte Suprema na makadalo siya sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ng 17-anyos na estudyante ng Caloocan City.

Naghain ng “very urgent legislative furlough” ang kampo ng senadora sa mataas na hukuman para makasali sa imbestigasyon ng Senate public order and dangerous drugs committee sa pagkasawi ni Kian delos Santos sa kamay ng mga pulis ng Caloocan City.

Bukod sa pagkasawi ni delos Santos, sisilipin din ng Senado sa Huwebes ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga drug suspects sa bansa, kabilang ang naitalang pinakamalaking bilang sa loob ng isang araw na 32 sa lalwigan ng Bulacan.

Nakakulong sa Philippine National Police custodial center sa Camp Crame si de Lima dahil sa umano’y kaugnayan niya sa ilegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with