^

Bansa

Signal No. 2 sa Batanes kay ‘Isang’

Pilipino Star Ngayon
Signal No. 2 sa Batanes kay �Isang�

MANILA, Philippines — Itinaas ang tropical cyclone warning signal sa Batanes Islands at Babuyan Group of Islands dahil sa patuloy na pananatili sa hilagang bahagi ng Philippine area of responsibility (PAR) ng bagyong “Isang” na may international name na Hato, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Huling namataan ng PAGASA ang pang-siyam na bagyo sa 275 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-7 ng umaga.

Taglay ni Isang ang lakas na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 80 kph habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 17 kph.

Isinailalim sa Signal No. 2 ang Batanes Group of Islands, habang Signal No. 1 naman sa Babuyan Group of Islands.

Tinatayang nasa 180 km kanluran ng Basco ang bagyo bukas, habang nasa labas na ito ng PAR sa Miyerkules.

Wala namang direktang epekto ang bagyo sa ibang bahagi ng bansa ngunit paiigtingin ng bagyo ang southwest moonson o hanging habagat na magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Visayas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with