^

Bansa

Hatol kay Pemberton pinagtibay ng CA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang hatol na 10 taong pagkakakulong kay US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pagpaslang kay Filipino transgender “Jennifer Laude” sa Olongapo City noong 2014.

Tuluyang ibinasura ng appellate court ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Pemberton noong Abril 3, 2017 sa desisyon na nagsasaad na siya ay “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong homicide.

Ibinasura rin ng CA ang partial motion for reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na nagsasabing hindi binigyan si Pemberton ng pagkakataon na maisama ang mga panahon na inilagi niya sa bilangguan sa ibi­nigay na hatol.

Sa mosyon ni Pemberton, iginiit niya na hindi niya pinatay si Laude at buhay pa ang biktima ng iwan niya sa motel.

Depensa pa niya na ‘self defense’ lamang ang ginawa niyang pananakit nang magtalo matapos malaman na transgender ang kanyang tinangkang ikama.

Sinabi naman ng CA na walang bagong argumento na iprinisinta si Pemberton.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with