^

Bansa

13,258 drug dependents nabigyan ng skills training ng TESDA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil sa patuloy na pagbibigay ng importansiya at pagkakataon ng Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) sa mga kababayan nating minsang naligaw ng landas dahil sa paggamit ng iligal na droga ay umabot na sa 13,258 drug dependents ang napagkalooban ng skills training sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, nang simulan ng kanyang pinamumunuang ahensiya ang programa na nagbibigay ng skills training sa mga drug dependents ay marami na ang nagka-interes na makakuha nito.

Aniya, noong isang taon lang at hanggang nitong Hunyo 2017 ay umabot na sa naturang bilang ang mga nabibigyan ng kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay.

Base sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ni TESDA Deputy Director General for Operation Alvin Feliciano na siya ring officer-in-charge sa skills training ng drug surrenderees, sa naturang bilang ay ang Region 3 (2,165) ang may pinakamataas na drug dependents na nabigyan ng skills training habang ang pinakamababa ang Region 8 (77).

Samantala, sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay may 233 drug dependents na nabigyan ng skills training; National Capital Region (NCR) – 644; Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) – 145; Region 1 – 1,416; Region 2 – 854; Region 4A – 974; Region 4B – 2,057; Region 5 – 244; Region 6 – 359; Region 7 – 359; Region 9 – 599; Region 10 – 601; Region 11 – 580; Region 12 – 1, 232 at CARAGA Region – 719.

Sinabi pa ni Mamondiong, inaasahan na ng TESDA na mas madarag­dagan pa ang bilang ng mga drug dependents na magpapatala para makakuha ng skills trai­ning base na rin sa na­ging resulta ng kanilang barangay skills mapping sa bawat rehiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with