^

Bansa

Chinese ships naispatan malapit sa Pag-asa island

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakumpirma sa mga satellite image na kuha ng American think tank ang presensya ng mga barko ng China malapit sa Pag-asa island ngayong linggo.

Batay sa nakuhang imahe noong Agusto 13 ng Asia Maritime Transparency Initiative of the Center for Strategic and International Studies (AMTI), siyam na Chinese fishing vessels at dalawang Chinese Navy ships ang nasa malapit ng Pag-asa island.

Ayon sa AMTI, imposible raw matukoy kung ang mga barkong ito ay may kaugnayan sa maritime militia ng China, pero ang dalawa raw sa mga ito ay tila nangi­ngisda lamang.

Magugunita na nitong linggo lang sinabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na may natanggap siyang mga impormasyon mula sa kanyang military sources hinggil sa aniya’y kahina-hinalang mga Chinese boats sa hilagang bahagi ng Pag-asa island.

Sinabi din ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano na walang ibig sabihin ang sinasabing namataan na barko ng China sa West Philippine Sea kaya walang dapat ikabahala pero hindi daw nangangahulugan na isinusuko ng bansa ang ipinaglalabang teritoryo ng Pilipinas sa WPS.

Ayon kay DFA spokesman Robespierre Bolivar, hihintayin muna ng DFA ang opisyal na report ng military bago gumawa ng aksyon ang DFA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with