^

Bansa

Barcelona attack: 13 utas, 4 Pinoy sugatan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Barcelona attack: 13 utas, 4 Pinoy sugatan

 Labing-tatlo katao ang patay habang mahigit 100 ang sugatan kabilang ang apat na Pinoy kasunod ng terror attack sa Barcelona, Spain. AP/Oriol Duran, File

MANILA, Philippines -  Labing-tatlo katao ang patay habang mahigit 100 ang sugatan kabilang ang apat na Pinoy kasunod ng terror attack sa Barcelona, Spain.

Ayon sa ulat mula sa Philippine honorary consul sa Barcelona, isang van na gamit ng mga terorista ang sinagasaan ang mga pedestrian sa Las Ramblas tourist district noong Huwebes.

Dalawang suspek ang agad na inaresto ng mga awtoridad na sinasabing responsable sa terror attack sa Barcelona.

Kinilala ang isang suspek na si Driss Oubakir na nagrenta umano ng van at minaneho ito sa mataong lugar.

Naglabas naman ng pahayag ang Islamic State at inako ang nasabing pag-atake sa lugar.

Agad na inatasan ni Barcelona Mayor Ada Colau ang mga otoridad ng agarang imbestigasyon.

Kasalukuyang ginagamot ang mag-amang Pinoy na kabilang sa injured sa van attack habang ang ina at anak nitong babae ay nagtamo lamang ng minor injury.

Ang mga nasugatan na mayroong Filipino blood ay mga Irish citizens na turista lamang sa Barcelona ng mangyari ang terror attack.

Kasalukuyang naki­kipag-coordinate naman ang Philippine embassy sa Madrid at honorary consulate sa Barcelona sa may 200,000 na Filipino sa España para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Magugunita na kama­kailan lamang ay nagbigay ng panawagan si DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa lahat ng mga Filipino na nasa abroad na mag-ingat dahil sa napapaulat na sunod-sunod na terror attack sa mundo ng Islamic State.

“We have advised our kababayans na mag-ingat, ‘wag masyadong maglalabas kung unnecessary...Of course hindi pa natin alam kung how normal things will be,” pahayag naman ni Consul General Dr. Emmanuel Fernandez ng Philippine Embassy sa Madrid kahapon sa panayam ng radio dzBB.

Sinabi ni Colgen Fernandez, may 20,000 Filipino ang nakatira sa Barcelona na nagtatrabaho bilang domestic services at crew sa mga restaurants maging sa kalapit na areas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with