Terrorist attacks sa Nigeria, Pakistan kinondena ng Pinas
MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ng Pilipinas ang naganap na suicide bombing ng suspected Islamic terrorists sa Nigeria at Pakistan kung saan ay mahigit 50 katao ang nasawi at mahigit 100 ang nasugatan.
“The Philippines joins the international community in condemning the terrorist attacks in Nigeria and Pakistan that took many innocent lives,” ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano kahapon.
“We stand in solidarity with the governments and peoples of Nigeria and Pakistan as they confront the same threat of violent extremism that we are now also faced with in Mindanao,”’ paliwanag ni Cayetano.
Ayon sa DFA, isang female suicide bomber ang pinasabog ang sarili sa palengke ng Maidorugi City sa Northeast ng Nigeria noong Martes kung saan 27 katao ang nasawi.
May 2 suicide bomber din ang umatake naman malapit sa refugee camp at marami din ang nasaktan ng sumabog ang bomba ng mga ito.
Sa Pakistan naman ay isang suicide bomber ang umatake sa military convoy sa may Quetta City noong Sabado na ikinasawi ng 15 katao at mahigit 40 ang nasugatan. Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nasabing insidente.
Nauna rito, nagpalabas ng babala ang DFA sa mga Pinoy sa abroad na maging maingat dahil sa mga terror attack.
- Latest