^

Bansa

Kada ulo ng manok na nadale ng bird flu, babayaran ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabayad sa mga farm owners ng mga kakata­ying manok, itik at pugo na nadale ng bird flu outbreak sa Pampanga noong August 11.

Ito ayon kay DA Secretary Manny Piñol ay upang makapagsimulang muli at makabangon mula sa pagkakalugi ang mga poultry farm owners na nasalanta ng bird flu ang mga alagaing hayop.

Sinabi ni Piñol na may P8 milyong halaga ang DA na laan sa mga farm owners na sisimulang ipamahagi sa darating na Martes o Miyerkoles ng buwang ito.

Anya, babayaran ng DA ang mga Layer chicken sa halagang P80 kada ulo, Broiler chicken - P70 per head, itik - P80 per head, Pugo - P10 per head at Fighting cock - P80 per head. 

Kahapon ay kinatay na nila ang may 92,000 poultry products sa tulong ng mga sundalo at inaasahang aabutin ng 500,000 manok ang makakatay hanggang sa araw ng Sabado.

Bumaba sa 500,000 mula 600,000 ang kakataying poultry products dahil ang farm owners na nasa 7-km radius controlled area ay nagbago ng pasya na huwag nang katayin ang mga alagang manok.  

Pinahihintulutan ng pamahalaan na katayin ang mga poultry products na nadale ng flu virus sa loob ng 1-kilometer radius contained area.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with