PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Agot Isidro inalmahan ang fake news

MANILA, Philippines - Pinasinungalingan ng aktres na si Agot Isidro ang fake news na umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Sa isang Twitter post, inalmahan ni Isidro ang isang balita galing sa mga kwestyonableng blogsites kung saan, di umano’y, sapilitang pinag check-out ang aktres sa tinutuluyang hotel sa Boracay.

Ayon sa blogsite na Pinoy Observer, may nakaalitan umano ang aktres na isang Duterte supporter na naging dahilan para paalisin siya ng isang hotel manager.

Ngunit agad na inalmahan ito ni Isidro.

Una nang umani ng negatibong reaksyon si Isidro nang tawagin nitong "psychopath" si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing fake news ay nag-mula sa blogsites na Pinoy Balita at Pinoy Observer.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: