‘Assistance program’ sa poultry farmers ipatupad-Villar
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Cynthia Villar na agad na ipatupad ang “assistance program” para matulungan ang mga magsasaka lalo na ang maliliit na “backyard livestock growers” na naapektuhan ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Sinabi ni Vilar, chairman ng Senate committee on agriculture and food na bukod sa financial assistance package na inihahanda ng Department of Agriculture para sa mga poultry farmers, dapat umanong magkaroon ng alternatibong livelihood ang mga magsasaka na walang mapagkukunan ng pangkabuhayan sa loob ng susunod na mga apat hanggang limang buwan.
“I am praying with the farmers that this outbreak will be contained and will be prevented from spreading to other areas,” ani Villar.
Nabatid sa isang pulong balitaan ni DA Secretary Emmanuel Piñol na babayaran ng P80.00 ang magmamanok sa bawat mapapatay na manok, itik o pugo at magbibigay din ng loan assistance na P25,000 sa mga apektadong poultry farmers.
Sinabi naman ni Dr. Arlene Vytanco, pinuno ng animal Disease Center na ang culling operation sa 200,000 apektadong manok ay matatapos bukas, Huwebes. Aabutin naman umano sa 90-araw bago mapalaki muli ang mga alagang manok ng mga livestock growers habang nakabinbin ang quarantine, disinfection at monitoring procedures.
- Latest