^

Bansa

Serbisyong medikal sa mga professional boxers libre na-DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Libre na ang iba’t ibang uri ng medical check-up tulad ng CT scan, MRI at drug tests sa mga propesyunal na boksingero sa mga pagamutang hawak ng Department of Health (DOH) bilang tulong sa pagdiskubre ng mga posibleng bagong ‘world champions’.

Nilagdaan kahapon ang isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina DOH Secretary Paulyn Ubial at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra para sa pagbibigay ng libreng medical benefits sa mga professional boxers na lisensyado ng GAB.

Sa panuntuan ng GAB, kinakailangan na sumailalim at pumasa sa kumpletong medical examination ang mga propesyunal na boksingero bago mabigyan o makapag-renew ng kanilang boxing license.

“Recognizing the financial burden…, the DOH in partnership with GAB is extending free medical examinations to applicants and professional boxers in selected DOH hospitals across the country,” ani Ubial.

Sinabi ni Mitra na kasalukuyang nasa 1.054 ang mga boksingerong may lisensya sa kanila sa GAB.  Karamihan sa kanila ay maituturing na nasa kategoryang “indigent” dahil sa napakababang kinikita. 

Ito umano ang dahilan kaya kailangang-kailangan ng mga propesyunal na boxer na pinanggalingan ni Manny Pacquiao ng tulong ng pamahalaan lalo na’t patuloy na nababawasan ang mga sponsors ng mga boksingero.

Bukod sa annual check-up, libre na ang pagsasailalim sa mga boksingero sa CT Scan o MRI kung kinakailangan, at kung may World Championship fight ay libre rin ang ibang eksaminasyon tulad ng “eye examination, neurologic clearance, HIV at Hepatitis C screening.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with