^

Bansa

P2-B pondo apela ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Para sa rehabilitasyon ng mga paaralan

MANILA, Philippines -  Hihingi ang Department of Education (DepEd) ng P2 bilyon mula sa Kamara at Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan at mapabilis ang pagkumpuni sa mga paaralan lalo na sa mga silid-aralan na napinsala ng mga kalamidad na tumama sa bansa, sa nakalipas na dalawang taon.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Education Undersecretary for administration Alain Del Pascua na hanggang ngayon ay marami pang silid-aralan na sinira ng mga kalamidad ang hindi pa nakukumpuni dahil sa kawalan ng pondo.      

Wala aniyang pondo ang DepEd para sa calamity-related repairs noong nakaraang taon dahil ang P1 billion quick reaction fund (QRF) na para sa rehabilitasyon ng mga silid-aralan na napinsala ng mga bagyong Karen, Nina, at mga lindol sa mga lalawigan ng Surigao, Batangas at Leyte, ay ibinigay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at walang kontrol ang ahensya dito.

“We will appeal to Congress and to the DBM that we be given a separate quick reaction fund and the P2 billion is enough in every year to respond to disasters created by calamities,” ani Pascua.

Sinabi ng opisyal na dapat na direktang ibigay sa kanila ang pondo para sa mas mabilis na pagkukumpuni ng mga silid-aralan na napipinsala sa panahon ng kalamidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with