^

Bansa

Missile attack sa Guam sinuspindi ng Nokor

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Missile attack sa Guam sinuspindi ng Nokor

Ayon sa report ng Nokor state media, sinabi ni Pyongyang leader Kim Jong Un, titingnan muna nito ang magiging aksyon ng Estados Unidos bago magdesisyon kung itutuloy na nito ang pagpapakawala ng missiles sa Guam. Korean Central News Agency/Korea News Service via AP, File

MANILA, Philippines -  Hindi muna itutuloy ng North Korea ang plano nitong missile attack sa Guam.

Ayon sa report ng Nokor state media, sinabi ni Pyongyang leader Kim Jong Un, titingnan muna nito ang magiging aksyon ng Estados Unidos bago magdesisyon kung itutuloy na nito ang pagpapakawala ng missiles sa Guam.

Naunang inihayag ng Nokor Army na plano nilang magpalipad ng 4 na missiles patungo sa Guam nga­yong Agosto 15.

Hinihintay na lamang ng Nokor Army ang go signal ng kanilang lider para pakawalan ang missile na target ang US territory sa Pacific region.

Nagpalabas na kaha­pon si DFA Sec. Alan Peter Cayetano ng alert level 1 (blue alert) para sa konsu­lado sa Guam at Northern Marianas Islands.

May nakahanda na ring contingency plan ang consulate ng Pilipinas sa Guam bilang paghahanda sakaling ituloy ng Nokor ang kanilang missile attack.

Umaasa si Cayetano na tuluyang humupa ang tension sa Korean peninsula at magkaroon ng diplomatikong solusyon ang hindi pagkakaunawaan ng Pyongyang at Amerika.

Magugunita na umapela na rin ang Malacañang sa US at Nokor na huwag nang palalain ang sitwasyon sa Korean pe­ninsula bagkus ay magkaroon na lamang ng patuloy na dayalogo ang mga ito para hindi na lumala ang sitwasyon.

Pinayuhan naman ni Cayetano ang mahigit 40,000 Pinoy sa Guam na magdasal at maging handa sa nasabing banta.

Naglaan ng isang bagong bahay sa Tamu­ning Village bilang temporary shelter ng mga Pinoy sa Guam sa sandaling ituloy ng Nokor ang banta nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with